Hawak Kamay - O'Banon (Makatang Aklanon Records)
Ito ang pinili ko na buhay ang makasama ka Yung pag gising sa umaga mukha mo ang nakikita At ang pikit mata mo na aking minamasdan Mga pisngi mong kay lambot ay aking mahaplusan Ng aking palad,habang sayo ay nakatitig Dahil lalo ako sayo lubos na napapa ibig Sa ganitong pagkakataon ay ayoko pang bumangon At gusto ko sana lagi ay mayron akong pabaon Na halik mula sa labi mo na hindi ko maalis Para tuloy ayaw makita na ikaw ay umalis Nais ko lamang kasama kahit saan ka magpunta Kahit minsan iniiwan mo ako na mag isa Ok lang dahil alam kong sakin ka pa babalik Habang nagaantay sa may hagdan sa iyong pag babalik Ganto ako parati sakin ka lamang mamalagi Kahit anu man ang hadlang sa atiy di makakahati ll Alam kong hindi tiyak itong atin na pagsasama Dahil meron pa rin sa puso na syang gumagambala At kapagka pag wala ka akoy kinukutuban Pakiwari ko kasi ako ay sinasakluban Akoy magpapakatatag na basta para lang sa atin Sanay ganun karin basta kumapit lang sa akin Ang kamay wag bibitaw sabay tayo sa paglakbay Kapag nangawit ka handa ako sayo magpaakbay Wag kang magpakatangay kahit anung lakas ng agos Hayaan mong satiy ulan maging tuloy na sa pagbuhos Dahil titila rin ito at bukas na may bahag hari At pag ibig sa atin ay patuloy na mag hahari Kinabukasan ay harapin na magkahawak ang kamay Tahakin natin ang daaan kahit makitid na tulay Lagi mo na iisipin na merong kang makakasama Sa lungkot man o sa ligaya pighati o pagdurusa