Salamat Po Panginoon - yo`niP a.k.a. dK

29.08.2007
Salamat Po Panginoon, the track that i made to thank Jesus.. Lyrics: Intro Lord! (Jesus) maraming maraming pong salamat, (yeah) dahil po namatay po kayo para sa kasalanan namin, (yes lord) marami din pong salamat dahil po bumaba po kayo dito sa lupa upang ipaalam ang magandang balita, (Amen) nais ko lang po sana kayong papurihan gamit ang awitin ito, (yup) Salamat po Lord, (yes Lord) sana po Lord ay kayo po ang Makita sa awiting ito, (Jesus) sa kabutihan Nyo, Salamat Po! Verse1 Salamat po Panginoon kay buti Nyo Panginoon, salamat Po sa patnubay kahit san ako maparoon, kayo Poy nanatiling tapat, ang syang may gawa ng lahat, pag-ibig na ipinadamat ibinigay Ninyoy walang makatapat, Pagpapala Nyo ay sapat sa aking buhay ako ang patunay, pag-ibig na rumaragasa, dumaloy ang dugo upang maging tulay, patungo sa Inyong kabanalan, saliwa sa mga kasalanan, Jesus ako Poy patawarin naway akoy mapagbigyan, linisin ako ng Iyong dugong banal, puno ng pagmamahal, ito ang dasal, at Kayo Po ang muling bumuuo sa aking dangal, Salamat sa pag-iingat, sa tuwing aking ididilat, ang aking mata sa umaga nang makita ang muling pagsikat, ng araw, hanggang sa itinakdang araw ng pagpanaw, iisang hiyaw papurit taghoy ang tanging isisigaw, di bibitaw sa pag ibig na sa king matay pumukaw, isarado ang pintot buksan ang bintana syang dudungaw Chorus Salamat po Panginoon kay buti Nyo Panginoon, salamat Po sa patnubay kahit san ako maparoon, kayo Poy nanatiling tapat, ang syang may gawa ng lahat, pag-ibig na ipinadamat ibinigay Ninyoy walang makatapat (2X) Verse 2 Ang Inyong dugong pinatagas, dugong sa amiy huhugas, dugo ng walang kasalanat Diyos na walang makalalampas, dahil di kayang bayaran ng sino man, nagawang kasalanan, kayat sinugo ninyo si Hesus upang iligtas ang sanlibutan, tunay nga ang Diyos ng Pagmamahal, sa Inyo lang kami nagdarasal, patawarin ninyo ang mga taong sumasamba kay baal, dahil hindi magtatagal, Kayo ay babalik muli, upang lipunin ang inyong mga anak, lagim ay magagapi, salamat Po sa remedyo, kahit kami ay medyo bitin sa inyong harapan, awa, di Kayo nahuli sa inyong relo, wala na akong maibibigay, ibibigay koy kayong nagbigay, papurit buhay, kong ito ang tanging kong mailalagay, sa hapag at, kirot ng sugat, na Inyong dinanas, na syang bubutas sa gawa ng mga kaaway, dumantay ang tagumpay, kaligtasan koy abot-kamay, isang patunay bankanteng libingan pagkat ang Diyos ko ay buhay Chorus Verse 3 Ako poy di karapat-dapat, kasalanan koy di makaangat, problemat kasalanan koy nagsabay parang kulog at kidlat, at akoy nabanat, napirapiraso na para bang nabasag, dahil sa yong liwanag-akoy nabuo na para bang di nakaldag, nagpasalamat, nabura ang buhay kong puro lamat, binigyan ng bukas, na panghabang-buhay na di magwawakas, ito ang ulat, at lagi kong isasambulat, wag kang magulat, Kristyano kay? Trabaho moy imulat, ang mga matang nakapikit na nakatitig sa kadiliman, ipaalam na may pag-asa pa sa Kanya kayat talikuran, ang kasalanang, nagalis satin mula sa Ama,--at

Похожие видео

Показать еще