Multo sa Barangay South Cembo

21.10.2013
Huwag iboto ang mga taong mapanirang puri, sinungaling, mambobola, at hindi pumapasok sa trabaho nila sa Barangay. Ano ang accomplishment nila sa loob ng tatlong taon na naging kagawad sila? Nasaan sila kapag may kailangan tayo sa mga committee na hinahawakan nila? Nakita ba natin sila sa mga opisina nila sa Barangay Hall? Marami silang magagandang pangako na sinasabi nila ngayon sa kampanya nila para hilingin ang boto natin... pero mapapagkatiwalaan ba natin sila muli? Huwag tayong magpapabola sa mga matatamis na sinasabi nila dahil ganyan talaga ang style ng mga politiko kapag nanliligaw ng boto natin. Wala silang napatunayan na magandang serbisyong totoo na naramdaman natin. Ang iboto natin ay ang grupo ni Kapitan Richie Rodriguez na magbibigay ng patuloy na Serbisyong Totoo at Ramdam mo, at hindi magiging Multo sa Office of the Sangguniang Barangay.

Похожие видео

Показать еще