Paano Mag-Full Band Recording (Track By Track Overdub VS Live Multitrack) HD
Paano Mag Full Band Recording (Track By Track Overdub VS Live Multitrack) GCash: 09150548255 (How to Record Full Band Recording - Tutorial) Wazzup mga tol. Marami ang nagtatanong kung paano daw ba magfull band recording. Punta tayo sa drums. Meron kaming Alesis Compact Kit7 and meron din kaming Alesis Strike Pro. Next is bass. May Musicman bass kami and Fender Squier Jazz Bass. Sa guitars is may strat and semi hollow guitars kami. Sa acoustic guitar, Fender Redondo. Sa keyboard is Yamaha. Sa mic, meron kaming Shure SM57 and SM58 Dynamic mics, and Audio Technica AT2050 Condenser Mic. May dalawang method sa pag full band recording. Una ay yung track by track overdub. At ang pangalawa ay yung live multitrack. Sa simpleng explanation, yung track by track overdub, ay isa-isa ang magrerecording, hindi sabay-sabay. Kaya tinawag na track by track, meaning isa-isa at hindi sabay-sabay ang pagrerecording, overdub, ang ibig sabihin ay ipapatong sa ibabaw. So bakit hindi pa sabay-sabay, bakit hiwa-hiwalay pa? Maraming reason para dyan. Yung mga napapakinggan nyong kanta ngayon, luma or bago, kung hindi man lahat, karamihan yan ay recorded track by track overdub. Walang studio ang nagrerecording ng pang CD or tape na sabay-sabay ang recording. Just in case kasi na may magkamali habang nagrerecording, hindi lahat ng instrumentalists ay lahat uulit nanaman. Pwede nyong putulin part by part ang pagrecord sa instruments nyo, pwede kayong magpatong ng maraming parts and takes, at mas malilinis nyong mabuti ang parts nyo sa recording. Pwede kayong magrecording ng parts nyo sa ibat-ibang araw kung halimbawa hindi available lahat ng musicians. Ang iba pang reason ay kung maraming instruments ang irerecord nyo, at yung audio interface nyo ay meron lang let say 2 channels lang, so hindi kaya magrecording ng 6 instruments lahat sabay-sabay. Sa amin ginagamit namin ang track by track overdub kapag may banda na gustong magrecording ng sobrang linis. So kahit ilang takes, magkamali man ng maraming beses, walang problema. Kahit isang guitar lang ang gamit, pwede kami magpatong ng 4-6 guitars sa isang kanta. Para sa track by track overdub recording, nauunang magrecording yung guitar with metronome dahil sya ang magiging guide ng drums. Then papatungan by order ng drums, then bass, then guitars, then keyboard, then main vocals, and last yung mga 2nd voice or background singers. So yung pangalawang method ay yung Live Multitrack. Ang ibig sabihin nun, sabay-sabay kayong magrerecording lahat, at sabay-sabay papasok lahat ng recorded sound nyo sa computer as multitrack, so maraming tracks na patong patong na nirecord real-time or live, kaya tinawag na Live Multitrack. Usually ginagamit ang live multitrack recording for demo purposes, yung hindi nangangailangan ng sobrang linis na takes, or sa live concerts ng mga sikat na banda. May mga banda din na hindi na nagbebenta ng mga CD nila na recorded live ang music nila. Gaya ng mga Christian Bands na Hillsong and Planetshakers