Happy 1st Anniversary mylove Our LDR story
Happy 1st Anniversary love Gumawa lang ako ng summary video para sa LDR story natin. Di ko na sasabihin na sana magustuhan mo alam ko naman kasi lahat ng gawin ko na para satin nagugustuhan mo Panget man tingnan sa iba kung saan at kung pano tayo nagkakilala di naman mahalaga yun, para satin yun na yung best way ni God para pagtagpuin tayong dalawa.Sa buong taon natin lagi mong sinasabi na ang swerte swerte mo na parang nakajackpot ka sa lotto , pero hindi ko ata nasasabi ng madalas sayo na ikaw rin ang sagot sa dasal ko, ikaw yung binigay sakin ni God para makasama ng panghabangbuhay.Wala ng atrasan to.Nung hindi pa kita nakikilala, sabi ko sa kanya pag nagdadasal ako na di bale nang matagal pa bago kita matagpuan, basta gusto ko pag may pinakilala na si God sa akin eh siya na talaga yung para sa akin, yung deserve ko, yung hindi ako hahayaang saktan at iwan,worth the wait naman yung binigay ka nya ng may pagsubok para lalo tayong patatagin at para magkaron ng excitement yung kwento natin.Sa halos 1year na pag aantay nagkita na tayo kahit 1month lang yung binigay sayo para magkasama tayo sulit naman kaya lang nakakabitin.Yung feeling na parang ang tagal tagal na natin pero wala pa din nagbabago,tayo na pero yung panliligaw mo di pa din natatapos.Maraming Salamat sa lahat napaka blessed ko pati na sa Family mo na tinanggap ako ng buong buo kung sino at ano ako at sa pagsuporta sating dalawa sa lahat ng bagay.Wala naman na kong mahihiling pa para satin basta focus lang muna tayo sa Family natin na tumulong at wag gumawa ng ikaka-disappoint nila.Madaming nagsasabi na mag aasawa ka na ganito ganyan pero hindi pa diba enjoyin muna natin kung anong meron tayo ngayon in Gods perfect time tiwala lang tayo pa din hanggang huli.Ngayon masasabi ko na ako ang pinakamasaya at pinaka maswerteng babae sa buong mundo, dahil sayo. Yung feeling na tiwala ka na hindi ka lolokohin,hindi ka sasaktan at alam mong hindi gagawa ng ikasasama ng loob mo.Kaya sakin ka lang ha ayoko na sa iba kahit ano pa man mangyare kahit ano pa mang pagsubok yan.Kahit na mukhang pilit tayong pinaglalayo para naman din sa ikabubuti natin to.Basta lagi ka lang mag iingat dyan ha wala kami physically sa tabi mo para alagaan ka pero lagi lang kaming nandidito pag kailangan mo.Thankyousomuch for making our day so special kahit na wala ka dito kasama ko naman family mo na nagcelebrate ☺️ Iloveyousomuch Mahalnmahalkita