USAPANG PUSO #1 | PAANO NGA BA MAG MOVE ON??? HD

07.07.2015
Walang madaling paraan para maka move on at kalimutan ang isang tao. Pero nakakapag taka di ba? Bakit parang may mga taong ang daling makalimot at maka move on? Siguro sila yung mga taong napagod ng magpakatanga, siguro sila yung mga taong magaling mag tago ng tunay na nararamdaman, iyan siguro yung ilan sa dahilan kung bakit madali na silang naka move on at nakalimot. Pero maiisip mo? Bakit ikaw? Hindi mo magawa? Sila nagagawa nila? Dahil nga ba hindi ka sila? Kalokohan yata. Malamang kung kaya nila kaya mo rin, tulungan mo lang yung sarili mo. Hawak mo ang sagot kung paano ka makakawala sa nakaraan mo, ayaw mo lang imulat ang mata mo sa katotohanan, dahil alam mo sa sarili na wala ka na talagang magagawa na wala na talaga. Siguro ayaw mo lang talagang tanggapin sa sarili mo na wala na talaga kaya nakatali ka pa rin sa nakaraan. Itanong mo sa sarili mo kung hanggang mo kayang magpakatanga sa isang tao na nagpapakasaya na sa iba?

Похожие видео

Показать еще