AYOKO NG...(OfficialUnspokenWordsBy: AnalouTesoroPunay)

20.01.2018
AYOKO NG... music: Dahan Original Composition OfficialSpokenWordsBy: AnalouTesoroPunay mahal mo ba talaga ako? o mahal mo pa sya talaga ? kung nalilito ka sa aming dalawa.. pakiusap. wag ako ang piliin mo.. balikan mo nalang siya.. :( dahil ayokong malito ka between sakin na bago mo o siya na ex mo.. kasi kung talagang mahal mo na ako at wala na siya sa buhay mo.. dika malilito ng ganito.. ayoko ng tinitingnan moko sa mata. pero siya pala nakikita mo.. ayoko ng niyayakap moko ng mahigpit. ng siya pala ang namimiss mo.. at sa tuwing nagaalay ako ng kanta ko para sayo.. nakalaan talaga yun sayo.. pero sa tuwing kumakanta ka pabalik sakin.. naguguluhan ako kung yung kanta mo eh para sakin ba talaga o nakalaan para sa kanya.. nasasaktan ako sa tuwing pinaguusapan natin siya.. nasasaktan ako.. sa tuwing kinukompara ako ng nga tropa mo sa kanya.. at oo . nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko na tumatawa ka lang pag pinagtriripan nila ex mo sayo na kaharap ako.. alam kong wala akong karapatan masaktan kasi wala na kayo. alam kong wala akong dapat ipangamba kasi ako na ang bago mo.. pero ang tanong.. wala na nga ba talaga? ako naba talaga ? o siya parin ba? ayoko maging anino ng ex mo.. ayoko ng nakokompara ako sa kanya kasi kung mas okay sya eh di sana kayo pa. ayoko ng naririnig pa na binabanggit pangalan niya kasi magkaiba kami at hindi ako siya ayoko ng ginagawa niyong katuwaan sa harap ko ng paulit ulit ng mga tropa mo ang nakaraan niyo . kasi kahit nakangiti ako at sinasabi kong okay lang ako eh sa totoo lang nasasaktan ako.. kasi pinasok ko ang relasyong to na sigurado na ako sayo. pero ikaw ba ? sigurado kanaba talaga ? o panakip butas mo lang ako sa kanya ? kasi kung mahal mo pa siya.. tatanggapin ko na maiiwan ulit ako. at handa akong palayain ka ng buong buo . kahit alam ko na ang kapalit nun eh ang pagkaguho ulit ng mundo ko ng dahil sa pagkawala mo sa buhay ko..

Похожие видео

Показать еще