I-WITNESS: EL FRAILE
"EL FRAILE " Dokumentaryo ni Kara David July 23, 2012 Ayon sa mga dalubhasa sa kasaysayan, ang isang maliit na isla na matatagpuan sa bukana ng Manila Bay ang huling sumuko sa mga Hapon noong World War 2. Tinawag itong Fort Drum ng mga Amerkano, ang "unsinkable battleship" na kilala rin bilang El Fraile. Ginawa itong military facility noon ng mga Amerikano kung saan nagtayo sila ng mga kanyon na mas malaki pa kaysa doon sa Corregidor. Pagkatapos ng 70 na taon, kamusta na kaya ang El Fraile? Alamin kung ano ano na nga ba ang lagay ng El Fraile. Samahan si Kara David sa kanyang pagsuong sa naglalakihang alon para balikan ang lugar na mahalaga sa ating kasaysayan. Ang "El Fraile" ay mapapanood ngayong Lunes, July 23, 2012, alas 11:30 ng gabi sa I-Witness.
Похожие видео
Показать еще