FIGHT ANALYSIS - UNDEFEATED WBC CHAMP NORDINE OUBAALI may TULOG kay NONITO DONAIRE Jr HD

03.05.2021
May 29, 2021 ang petsa kung saan tatangkaing agawin ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr ang pinaka-iingatang World Boxing Council Bantamweight belt ni Nordine Oubaali. Sa mga natitirang araw bago ang kanilang salpukan – siguradong puspusan na ang kanilang pag-e-ensayo. Kahit na sinasabing lamang ang ating kababayang si Nonito sa experience – hindi pa din tayo naktitiyak kung ano ang inihandang plano ng Pranses na si Oubaali. At para magkaroon tayo ng ideya sa maaring kahihnatnan ng bakbakan, ating himayin ang naganap sa huling 5 laban nina Nonito Donaire Jr at Nordine Oubaali. September 23, 2017 – matapos matalo at maagaw ni Jesse Magdaleno ang WBO Super bantaweight belt ni Nonito – sinubukang umakyat ni Donaire sa Featherweight Division at hinarap ang Mexican slugger na si Ruben Garcia Hernandez sa 10 rounder bout para sa WBC Silver featherweight belt. Matibay ang mehikano sa saluhan ng suntok – na mas bata ng sampung taon kesa sa 34 anyos na si Donaire. Ang resulta – panalo si Nonitos via unanimous decision sa score na 99-91, 100-90 at 99-91 December 16 2017 – Sinubukang depensahan ni Nordine Oubaali sa unang pagkakataon ang hawak niyang WBC Silver Bantamweight belt kontra sa kababayan nating si Mark Anthony Geraldo. Maganda ang ipinakitang galawan ni Oubaali na talagang angat na angat ang boxing level kesa sa pinoy boxer. Pero matapang at handa ding makipagsabayan si Geraldo. Ngunit pagdating ng round 7 – isang perfectly timed left uppercut at right hook ang nagpabagsak at tumapos kay Geraldo. Ang verdict – Oubaali wins via 7th round stoppage April 7, 2018 – Hinarap ni Oubaali ang beteranong si Luis Melendez ng Columbia para sa 10 rounder bout na ginanap sa Paris, France. Walang kahirap-hirap na tinapos agad ni Oubaali ang laban na parang may pupuntahan. Round 1 pa lang – mahusay ang ipinakita ni Melendez sa pagsalo ng mga suntok. Round 2 – nainip na si Oubaali kaya binomba na niya si Melendez ng mga kombinasyon. Nakatayo pa ang Columbyano sa unang bagsak pero sa pangalawa – inihinto na ng referee ang laban dahil masakit na sa mata. Ang resulta – Oubaali winning via 2nd round TKO. Anticipated fight sa pagitan ng dalawang halimaw ng bantamweight division. Nonito Donaire Jr vs Naoya Inoue para sa finals ng World Boxing Super Series. Ang nakataya : ang WBA Belt ni Donaire at ang IBF belt ni Inoue. Instant 2 belts ang makukuha ng mananalo. Tulad ng inaasahan – punong puno ng aksiyon ang laban. Pero mas disiplinado si Inoue na may magandang gameplan, Round 9 – nakatama ng magandang kanan si Donaire na mukhang ininda ni Inoue kaso nagkulang sa mga follow-up shots. Round 11 – isang magandang left hook ang binitawan ni Inoue na tumama sa bodega ni Donaire at na rehistro ang first knockdown ng laban. Nakarekober si Nonito at nagpatuloy sa bakbakan. Natapos ang round 12 – at nauwi sa kamay ng mga hurado ang desisyon sa laban. Ang score : 117-109, 116-111 at 114-113 all in favor of Naoya Inoue at naitala ang ika-anim na pagkatalo sa career

Похожие видео