MP PROMOTIONS NATUWA! ACID TEST sa RESISTENSYA ng ALAGA ni PACQUIAO na si ISAAC CRUZ JR, PASADO NA! HD
Acid test sa resistensya ng alaga ng MP Promotions na si Mexican Mike Tyson - Pitbull Isaac Cruz Jr, pasado! Pwede na kayang isabak sa mga bigating lightweight champs? Naging mainit ang loob ng Mohegan Sun Casino noong March 13, 2021 - ng magharap ang 2 lightweight prospect na sina Isaac Cruz Jr at Jose Matias Romero para sa WBA title eliminator fight. Napasabak ng husto ang kauna-unahang mehikanong alaga ng MP Promotions na si Isaac Cruz Jr sa undefeated Argentinian na si Romero. Ito ang kauna-unahang 12 round fight ng tinaguriang Mexican Mike Tyson. At dito talagang nasubok kung gaano katatag ang kanyang resistensya. Biro mo sa istilong sugod ng sugod at todo bitaw ng kamao na lumalagatok – marami ang kumwestyon kung tatagal ba ang hangin ng 22 anyos na si Isaac Cruz Jr. Ang sagot! Yakang yaka. Kahit na nabasan pa ng 1 pt para sa low blow sa loob ng round 6 - Nakuha pa din ni Isaac Cruz Jr ang panalo via unanimous decision, sa iskor na 114-113, 115-112 at 118-109, kaya umkayat ang kanyang rango bilang #3 title contender sa WBA at #2 sa IBF belt na parehas na suot ni undisputed champ Teofimo Lopez Isang malaking challenge ang laban sa kakayahan ni Isaac Cruz Jr bilang oksingero. Sa undefeated record ni Romero na 24 wins with 8 knockouts – maiisip mon a pwedeng ma-upset ang heavy favorite na mehikano. Bago ang laban - galing sa 53 second knockout victory si Isaac Cruz kontra kay Diego Magdaleno samanatalang si Jose Matias Romero, na umakyat ng timbang mula super featherweight to lightweight ay galing sa 12 round unanimous decision win kontra kay Javier Jose Clavero. May height advantage si Romero sa taas na 5’8.5 kontra sa 5’4 ni Cruz. Kaya sa unang round - gigil si Isaac Cruz Jr na tibagin agad si Romero. Mahusay namang ginamit ni Romero ang kanyang height at reach advantage, jab at box from the outside; Kaso nga lang, ang kanyang matinding panlaban kontra sa mala-torong atake ni Isaac Cruz Jr e ang yumakap at tumakbo. PAnoorin ang full fight highlights ng labanang Isaac Cruz Jr vs Matias Romero. MAtapos ang bakbakan – nagpahayag ng saloobin si Romero tungkol sa resulta ng laban. Hindi daw siya masaya sa naging decision ng mga judges. Para sa kanya, Dapat draw daw ang laban. Okay naman daw ang kanyang performance kontra kay Isaac Cruz Jr, pero maganda sana kung naging mas mahaba ang kanyang naging preparasyon sa laban. Para naman kay Mexican Mike Tyson, malamang na maraming take-aways ang kanyang napulot sa labanang ito mga parekoys. Una - sa height na 5’4, medyo maliit para sa lightweight division na normally e nasa 5’6 pataas. Kailangan pag-ibayuhin ang kanyang footwork para mas mabilis na makalapit ng distansya sa potential body shot or killer combination. Ito kanyang pangalawang laban sa ilalim ng MP Promotions. Kay siguradiong hindi magtatagal e, isasabak na ito sa title fight. Kayo, ano pa ang sa tingin nyong pwedeng ma-improve sa laro ni Pitbull Isaac Cruz Jr.? I comment lang ang inyong sagot. Related Articles : htt
Похожие видео
Показать еще