MANNY PACQUIAO may SCHEDULE na sa 2021 | ERROL SPENCE Jr MALAPIT ng UMAKYAT ng WEIGHT DIVISION HD
Manny Pacquiao pwede daw na dumalawang laban sa 2021 – target ang April at September fight Good news mga parekoys! Naniniwala si WBA Welterweight champ Manny Pacquiao na makakakuha ng dalawang laban sa darating na 2021. Papalo na ng 42 anyos ang ating pambansang kamao sa susunod na sumampa ito sa boxing ring. Matapos na makuha ang WBA belt noong July 2019 – hindi na muling naging aktibo ang ating pambansang kamao. May ugong-ugong noon na dedepensahan sana ni Manny ang kanyang titulo sa first half ng 2020 ngunit naudlot dahil sa pademya. Ngayong kumakatok na sa pinto ang 2021 – maraming mga boxing fans ang nauuhaw nang makapanood na malupit na laban ng ating pambansang kamao. Ayon sa interview ng Daily Tribune kay Pacquiao – malabo daw makakasampa agad si Pacman sa buwan ng Marso dahil sa trabaho at responsibildad sa senado. Pero pwede daw na makakuha ng dalawang laban, una sa Abril, pangalawa sa Septyembre. Magandang development ito mga parekoys kaya tiyak na ka-abang abang ang mga susunod na update. Samantala, Errol Spence – 2 or 3 laban na lang daw sa 147 pound bago umakyat ng timbang. Umani ng mga comments ang post sa twitter ng current WBC/IBF welterweight champ Errol spence Jr ng ilang laban na lamang daw at aakayat na siya ng timbang. May mga nagtanong kung si Pacquiao, Thurman o Crawford ba ang line-up. Epic naman ang comment na lumayo na lang daw si Spence kay Pacman. Tingnan natin ang ibang mga comments. Totoong dagdag testament sa boxing carer ang unification bout ni Pacman kontra kay Spence or Crawford. Kung sino ang makakalaban ni Pacman, yan ang ating aabangan. #mannypacquiao #spencevspacquiao