TAAS ng RESPETO kay PACMAN! Bigay-PUGAY sa ALAMAT ng BOXING! Floyd, Cotto at De la Hoya, Sumaludo! HD
Ang TAAS ng RESPETO sa ating PAMBANSANG KAMAO Manny "PACMAN" Pacquiao! Mga dating nakabanga ni Pacman sa boxing ring, mataas pa din ang respeto sa pambansang kamao! Miguel Cotto November 14 2009 ng magharap sina Miguel Angel Cotto at Manny Pacquiao para sa WBO Welterweight championship. Sino ang mag-aakala na after almost 12 years e, sasadyain pang dalawin ni Cotto ang dating katungali para sabihan ng goodluck sa nalalapit nitong laban noon kontra sana kay Spence na nauwi kay Ugas. Isipin nyo mga idol, tinakalan ng todo ni Pacman si Cotto at pinahinto sa ika-12th round ngunit ang pangyayaring ito ay hindi makakapigil sa Puerto Rican boxing star na magbigay ng respeto sa nag-iisang 8 division world champion. Adrian Broner Hindi man natangap ni Adrien The Problem Broner ang desisyon ng mga huradong i-award ang WBA World Welterweight title kay Manny Pacquiao, nabanat tuloy sa internet ang 4 division world champion. Mukhang si Broner lang ata ang nagsasabing hindi niya pinaporma ang ating pambansang kamao noong January 19, 2019. Gayun pa man, kahit na alam natin na kakaiba din ang karakter nitong si Broner e marunong din palang magbigay galang sa isang alamat. Habang nagpapa-init noon sa locker room si Pacman, bumisita si Adrien Broner na may bitbit na baso at niyapos ang ating pambansang kamao. Floyd Mayweather Jr at Senior Bago makipagdigmaan noon si Pambansang kamao Manny Pacquiao kay Adrien Broner, sumaglit sa locker room si Floyd Mayweather Sr kasama ang buong tropa para kumustahin si Pacman. Pinanood ni Senior kung paano mag-hand wrap si Pacquiao. Matapos mag hand wrap at magsuot ng gloves, bumisita naman saglit si Junior at bumulong ng goodluck kay Manny bilang patunay ng respeto ng amerikano sa pinoy. Matatandaan na tinalo ni Floyd Mayweather Jr si Pacquiao noong 2015, masakit man sa puso ng mga pinoy fans e natangap din naman kinalaunan. Oscar Dela Hoya Bago ang ikatlong paghaharap nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez noong 2011, naligaw sa pamosong wild card gym si GOLDEN Boy CEO – Oscar Dela Hoya. Nabangit ni Dela Hoya na ang pakay niya daw talaga noon e si Amir Khan dahil alaga ito ng kanyang promosyon. Nagkataon naman na nag-eensayo din si Pacman, at sa kauna-unahang pagkakataon e na-witness ni De la Hoya ang disiplina sa training ni Manny. Jesse Vargas Sinorpresa naman ni Jesse Vargas si Pacquiao habang naghahanda kontra kay Adrien Broner. Nagkagulo ang media para kunan ng litrato na pinaunlakan naman ng dalawang boksingero. Natalo man si Vargas kay Pacman pero hindi Nawala ang taas ng respeto nito sa pambansang kamao. Marco Antonio Barrera Dalawang beses nagbakbakan sa lona sina Marco Antonio Barrera at Manny Pacquiao. Hindi man nakabawi ang mehikano e hindi naman nawala ang paghanga nito sa narating ng ating pambansang kamao. Na-interview pa nga ni Barrera si Pacman at binalikan nila ang kanilang laban na parang magkaibigang matagal na hindi nakapag-kwentuhan. Nagkantyawan pa nga ang dalawa. Naa
Похожие видео
Показать еще