Coach BINANGKO ang Import Para MANALO | NLEX at Magnolia, MAINIT ang LABAN | ASARANG Guiao at Travis HD

15.11.2019
Parehong nagmula sa mga panalo, ang mga mandirigma sa loob ng Ynares Center sa Antipolo ngayon ay gustong ipagpatuloy ang maganda nilang takbo patungo sa playoffs ng PBA Governor’s Cup. Sino kaya ang mananatiling mainit? #PBAGovsCup #GuioavsTravis #RavenaChoke #CruzBuzzerBeater Mainit ang naging panimula ng Magnolia Hotshots para sa gabing ito patunay na nga ang naitala nilang tatlumpu’t siyam na puntos sa pagtatapos ng first quarter kumpara lamang sa labing anim ng kanilang kalaban. Sa umpisa ay tila magiging laro ito ng Magnolia dahil sa mababang puntusan at sa depensang kanilang ipinamalas. Halos ganito rin ang kanilang inilaro sa nakaraan nilang game kontra Phoenix Fuel Masters. At dito rin talaga namamayagpag si Ian Sangalang. Sa kanilang mga gwardiya, si Paul Lee ang nanguna. Kung kinailangan nila ng mga puntos, sya nga ngayon ay nakakasa. Isa sa mga kalbong mainit para sa gabing ito, handa syang bumitaw ng mga big shots at panindigang sya pa rin ang Angas ng Tondo. Sa kanyang halos dalawampung minutong ipinasok sya ni Coach Chito Victolero, naibigay ni Marc Pingris ang hinihingi sa kanya - 10 rebounds na malaking bagay para sa Hotshots. Iyon nga lamang at medyo nakadama sya ng kaunting pananakit sa tuhod. Ang isa pang kalbo ay si Romeo Travis. Medyo mababa kumpara sa kanyang average kung pag-uusapan ang puntos, nagbigay pa rin naman sya ng dagdag na intensity sa loob. Hindi basta-bastang magpapaurong at magpapasindak kahit kanino man. At sa gabing ito, di rin talaga maiiwasan ang mga nagkakainitan at kaunting pisikalan. Nasa mga referee na lang talaga kung paano nila tatawagan. Mike Miranda kontra Justin Melton, Romeo Travis versus Jericho Cruz. At ang pinakakakaiba, Travis kontra Yeng Guiao. Kalbo versus kalbo. Bukod sa kanyang pakikipag-asaran kay Travis, malaking bagay rin ang mga desisyong ginawa ng coach ng NLEX para magkaroon sila ng pagkakataong manalo. Hindi lamang si Romeo Travis ang kanyang ginamitan ng mind games – pati ang kanyang mga players. Ang desisyon ni Yeng na wag muna palaruin si Manny Harris sa bahagi ng 2nd quarter, mukhang nakatulong para mabuhayan ang kanilang import sa 2nd half. Pagkakuha nya ng kanyang unang puntos noong 3rd quarter, nagbago na nga ang takbo ng Road Warriors. Nag-struggle at wala mang na-iskor noong 1st half, di natin alam kung dahil ba ito sa depensa o dahil sa partida. Pero kahit ano pa man ang sanhi, nakita naman natin kung paano sya bumawi at pangunahan ang NLEX sa pagpuntos, pag-rebound at paghanap sa mga kakampi. Hindi pinanghinaan ng loob ang mga nakaputi kahit na umabot pa sa dalawampu’t anim na puntos ang lamang ng kanilang kalaban. Tuloy ang kanilang paglaban hanggang nalasap na nga nila ang kanilang unang lamang noong 4th quarter. Ang tambakan sa una, naging dikit sa huli. Kung sino ang unang bibitaw syang matatalo. Nagbigayan at nagpalitan ng mabibigat na tira sina Paul Lee at Manny Harris. At pinatindi pa nga ito ng mga sigaw ni Sev Sarmienta. Panalo na natalo pa. Saya

Похожие видео

Показать еще