Sariling Bahay sa Halagang 1,000 PESOS - | Paano nga ba? | HD
SIPAG, TIYAGA AT HALAGANG Php 1,000, magkakaroon ka na ng bahay! Dahil may mga nagtanong kung paano ako nakakuha ng bahay sa PAG-IBIG. Gusto kong i-share kung paano magkaroon ng sariling bahay ng hindi gumagastos ng malaki! PAANO? ***Acquired assets ng Pag-ibig or foreclosed properties. Ito yung mga bahay na under ng Pag Ibig Housing Loan na hindi na naitutuloy bayaran ng mga owner kaya binabawi ng Pag ibig. Sa Acquired asset pwede kang makakuha ng bahay through bidding via auction or Negotiated Sales. At dahil wala akong pang down payment, under Negotiated Sale ang kinuha ko, ito yung mga properties na galing sa 2 auctions na walang kumuha. Bali may 2 auction: first public auction, No discount; second public auction, with Discount. TAKE NOTE: Ang Negotiated Sale ay WALANG down payment, kailangan lang ng Php 1,000 for reservation fee. Since mura lang sya, obviously, agawan at paunahan talaga sa pagkuha ng bahay. 1. May list ng mga property na pinopost ang Pag Ibig sa website nila under ng Negotiated Sale. Kailangan mong pumili at bisitahin ang bahay bago ka magpa-reserve. Kasi may mga bahay na di maayos kaya dapat icheck nyo muna. AS IS, WHERE IS yon. Meaning kung ano itsura nun, yun na yong makukuha nyo. Monthly nadadagdagan ang property sa list ng Negotiated Sale, everytime na walang nakakakuha sa second auction. Website: http://www.pagibigfund.gov.ph/AA/search.aspx 2. Kapag may list ka na ng bahay na gusto mong kunin at nabisita mo na yon, pwede ka nang magpareserve sa Pag Ibig Office ng Acquired Asset sa Shaw Blvd. Branch for NCR (Check na lang po sa website para sa ibang lugar). 3. Magfill-up ka na ng form for reservation, magbayad ng Php 1,000 at magdala ng 1 valid ID. Then, pili ka na ng mode of payment: Cash (30% discount), Installment (20% discount) (within a year only) or Housing Loan (10% discount)(for qualified members of Pag Ibig Fund, long term installment up to 30 yrs). I-clear ko lang na may interest ang Long Term Installment, pwede syang bayaran for 15, 20, 25 or 30 years. Nasa sa inyo na po yun. Mapapamura kasi ang monthly kapag matagal, yun nga lang magmamahal lang sa interest kasi longer years. For Housing Loan: ***Kailangan mong ipasa ng kumpleto ang mga requirements na hinihingi sayo sa loob ng 30 days pero usually 2 weeks lang depende sa deadline na ibibigay sayo. Make sure na kumpleto then, maghihintay ka na lang up to 2 months for approval. 4. After 2 months, may matatanggap kang text if approved ka or hindi. If approved, kasama sa text kung magkano kailangan mong bayaran for processing fee and advance payment for insurance premiums within 5 days only or else, cancelled na yun. (Yung binayaran ko is around Php 7,405) 5. Pagdating mo sa Pag Ibig Office, magpipirma ka na ng Notice of Approval, magbabayad ng Php 7,405 tapos ipapa-photocopy yung receipts and ID. Magprepare din ng Php 200 para ipa-notarize yung Deed of Conditional Sale then, pirma lang ulit. After nun, pwede mo nang kunin yung keys mo. MAY BAHAY K