Robin Padilla: Kahit saan tayo makakarating, Hindi ko kayo iiwan

22.10.2013
Robin Padilla rousing statement sa Grand Stand: "Kahit saan tayo makarating, hindi ko kayo iiwan!" "Wala pwedeng magpaalis sa inyo dito. Wala!" Iyan ang sabi ni Robin Padilla sa mga evacuees sa Arturo Enriquez Grandstand sa Zamboanga City. "Huwag na huwag kayong papayag na mapaalis. Ipaglaban ninyo ang lupa ninyo." "Wala pa ang mga Espanyol, andito na kayo. Wala pa ang mga Amerikano, andito na kayo. Wala pa ang mga Hapon, andito na kayo," sabi pa niya. "Huwag kayong papayag na ilipat. Kailangan kayong ibalik kung saan kayo galing," himok pa niya. Ang mga sinabi ni Robin ay nagbigay ng pag-asa sa mga nasunugan ng bahay at iba pang biktima ng 20-days na digmaan sa Zamboanga. Masilayan nga lang ang kanilang idolo ay labis-labis na galak na ang dulot sa kanila. Video courtesy of Emy Ems Pascual Amdanan and Lheng Napal Cruz. — at Zamboanga City Grandstand.

Похожие видео