Nuclear Radiation: Survival Tips - ni Doc Willie Ong #421 HD

30.09.2017
Nuclear Radiation: Complete Survival Tips Payo ni Doc Willie at Liza Ong #421 (Based on CDC recommendations in America) Oras na mabalita ang pagsabog ng nuclear bomb sa MALAPIT na lugar. Heto ang gagawin. 1. Sheltering - Maghanap ng tataguan na building na konkreto. Doon manatili ng 24 oras. Hindi ligtas ang Kotse. 2. Decontamination - Tanggalin ang damit at ilagay sa plastic bag. Maligo gamit ang sabon at shampoo. Huwag conditioner. 3. Huwag muna mag-aircon. Puwede ang electric fan. May konting hangin papasok sa pagitan ng pinto. 4. Depende sa payo ng kinauukulan, puwede uminom ng Potassium Iodide 130 mg 1 tablet lang (sa adults) para ma-protektahan ang thyroid. Sa edad 3-18 taon, 65 mg ang dosis. Sa edad 1 month-3 taon, 32 mg. Sa mas bata sa 1 month, 16 mg. One dose lang. (ayon sa CDC sa America) 5. Huwag bastang iinom ng potassium iodide. Hintayin ang payo ng gobyerno. Magmasid sa balita kung ligtas na lumabas pagkatapos ng 24 oras. PANOORIN ang VIDEO: https://www.youtube.com/watch?v=bUTcD9JPpKs

Похожие видео