BREAKING: NAGKITA na si CASIMERO at RIGONDEAUX! ANGAS ng PINAS may MENSAHE kina DONAIRE at INOUE HD

13.08.2021
BREAKING : CASIMERO vs RIGONDEAUX FACE OFF! MATINDING MENSAHE ni QUADRO ALAS kina DONAIRE at INOUE Personal ng nagkita sa unang pagkakataon sina WBO Bantamweight champ John Riel Casimero at Guilermo Rigondeaux bago ang laban nila sa lingo. Ng mag face-off ang dalawa – nakapa-meywang si Rigo sabay turo sa WBO belt ni Casimero na posturang-postura at nag-mwestra na parang kakatayin niya ang angas ng pinas pero nakipag-kamay din. Hindi naman nagpatinag si Quadro Alas na pangiti-ngiti lang habang nakatitig kay Rigo sabay turo na sinasabing tayo lang dalawa sa ring, walang takbuhan. Nakuha ding mag-fist bump at magkamayan ang dalawang magkalaban, Bago ang face-off, nag-post sa kanyang official Twitter account ang challenger na si Rigo na nakuha na niya ang tamang timbang 2 araw pa bago ang laban sabay may caption na Ay ay ay Blondie, delikadong-delikado ka at wala kang kalam-alam! Na tinutukoy ang angas ng Pinas. Pero iba talaga ang angas ng ating kababayang kampeon, sa interview sa kanyang ng Fight Hub TV – sinabi ni Casimero kaya siya ang lyamado sa laban ay dahil laos na si Rigondeaux at malayo na ang agwat ng lebel nila sa boxing. Gusto daw ng mga boxing fans na i-knockout ni Quadro Alas si Rigo kaya gagawin niya daw ito. Alam na din daw ni Casimero ang galaw ni El Chakal na laging tumatakbo at yumayakap, dapat daw ng kumasa ang challenger dahil kung hindi pati judges daw ay aantukin sa laban. Pero kung pilitin daw ni Rigo ang boring style niya, may nakahandang game plan si Casimero na siguradong susurpresa sa mga manonood ng laban. Ng tanungin kung ano ang kanyang plano pagkatapos ng laban. ito ang kanyang sagot.

Похожие видео

Показать еще