Maine & Derrick is REAL!!! Paano na si Alde Richards? Goodbye ALDUB na ba? HD
Maine & Derrick is REAL!!! Paano na si Alde Richards? Goodbye ALDUB na ba? Derrick Monesterio & Maine Mendoza Nag-Date daw talaga sa Subic? Mariing dinenay ni Derrick Monasterio na nag-date sila ni Maine Mendoza noong Valentine’s Day sa Subic. “Nagkataon lang po ako na nando’n ako (sa Subic) kasama ang mga kaibigan. Ayun, lakad-lakad kami sa shore, tapos hanggang sa nakita ko ‘yung staff ng Eat Bulaga. Siyempre, bati ako. Tapos ‘yun, sabi sa akin, ‘O, nandiyan si Maine.’ E, kakilala ko naman po siya, nakilala ko siya sa Vampire Ang Daddy Ko, so bumeso ako sa kanya,” esplika ng young actor. “Siguro, ‘yung pagkikita namin na ‘yun. Mga 20 seconds lang, tapos nag-separate ways na kami,” aniya pa. Tinanong naman si Derrick kung type ba niya si Maine? “Ha? Saan po nanggagaling ‘yun? Hindi. Saka respect na lang po sa loveteam nila (ni Alden Richards), AlDub fan din po ako, hindi n’yo naitatanong.” Pag-amin pa ng binata, “Na-bash nga po ako. Siguro kasi, may nakita na magkasama kami. Well, in fact, nagkita lang kami coincidentally, so ewan ko kung saan po nanggaling ‘yung mga ibang issue. “Wala lang naman po sa akin, eh. I mean, kasi hindi ko po pinapalaki ‘yung issue, nagising na lang ako kinabukasan, punong-puno na ng comments ang IG (Instagram) ko,” sey pa ni Derrick na sumusumpang wala rin siyang number ni Maine. Mensahe pa niya sa mga AlDub fans, “I respect you guys, so sana, respect n’yo rin ako.” via http://bandera.inquirer.net/